PNP, dumipensa hinggil sa ulat na nakalabas na ng bansa si Guo

Tikom ang bibig ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa umano’y may mga nasa likod at tumulong upang makalabas ng bansa si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, si Guo ay pasok sa pambansang interes dahil dawit ito sa illegal POGO operations.

Ani Fajardo, sakali mang maberipika na nakalabas na nga ng bansa si Guo, may pananagutan sa batas ang mga taong tumulong sa dating alkalde sa pagtakas, pagtatago, hanggang sa tuluyang makalusot at makalabas ng bansa.


Paliwanag nito, ang sinumang indibidwal na pasok sa Immigration look out bulletin ay maaring makalabas ng bansa maliban na lamang kung ito ay may hold departure order mula sa hukuman.

Facebook Comments