PNP, dumipensa sa pag-aarmas ng civilian anti-crime volunteers

Pinawi ng Philippine National Police (PNP) ang pangamba ng ilan na posibleng gamitin bilang private armies ang mga civilian anti-crime volunteers pagsapit ng 2022 elections.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na magpapatupad naman ang Commision on Elections ng gun ban kung kaya’t hindi maaaring magdala ang sinuman ng mga baril nang walang pahintulot.

Paliwanag ni Eleazar, sa ilalim ng kasalukuyang batas ay pwede mag-apply ang kahit sinong indibidwal pero masusing sinasala ang bawat isa kung maaari ang mga itong bigyan ng lisensiya.


Kasunod nito, iginiit pa ng pinuno ng pambansang pulisya na wala na sa kanila ang karapatan para payagan ang mga indibidwal na magdala ng baril sa labas ng kanilang mga bahay tuwing may gun ban.

Una nang sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na baka gamitin pa ng mga tiwaling pulitiko para sa mga pansariling intensiyon ang pagbibigay sa volunteers ng pahintulot na magdala ng baril.

Facebook Comments