PNP, dumistansya sa naging pahayag ni VP Duterte na itinalaga ang sarili bilang “Designated Survivor”

 

Tikom ang bibig ng Philippine National Police (PNP) sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na itinatalaga niya ang kanyang sarili bilang “designated survivor.”

Matatandaang binanggit ito ni VP Duterte kasunod ng pahayag na hindi siya dadalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa darating na July 22.

Kapag kasi sinabing designated survivor, ibig sabihin, ikaw ang papalit sakaling may masamang mangyari sa pangulo.


Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, no comment sila sa pahayag ni Duterte.

Tiniyak din ni Fajardo na nakahanda ang PNP sa seguridad sa papalapit na SONA.

Sa katunayan, all systems go na ang Pambansang Pulisya katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) kung saan walang namomonitor na seryosong banta sa nalalapit na SONA.

Facebook Comments