PNP, dumistansya sa planong pagbibigay ng amnesty sa naarestong Abu Sayyaf Group Lider na si Abduljihad Susukan

Dumistansya ang Philippine National Police (PNP) sa planong pagbibigay ng amnesty kay Abduljihad Susukan matapos na sumuko umano ito sa mga awtoridad sa pamamagitan ni MNLF Chairman Nur Misuari.

Ayon kay PNP Chief General Archie Gamboa, hindi saklaw ng kapangyarihan ng PNP ang pag-grant ng amnesty, aniya ito ay role ng Executive at Legislative.

Ipinauubaya naman ni Gamboa sa appreciation ng korte kung sumuko o naaresto si Susukan nang tumungo ito sa Davao City mula sa Sulu.


No comment din si PNP Chief sa tanong kung maaaring mapanagot si Misuari dahil sa pagtatago nito kay Susukan, sinabi lang ni Gamboa bahala na ang korte o Department of Justice (DOJ) sa isyung ito.

Sa panig aniya ng PNP, ang role lamang nila ay arestuhin ang mga wanted sa batas.

Si Susukan ay may 23 cases ng murder, limang kaso ng kidnapping for ransom and illegal detention at anim na frustrated murder.

Facebook Comments