Echague, Isabela – Muling pinaalalahanan ng PNP Echague ang mga motorista hinggil sa naitatalang disgrasya sa mga lansangan.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni SPO2 Noel Gadingan, Chief ng Patrol Section ng PNP Echague sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan sa kanya.
Aniya, nagsasagawa sila ng mobile patrol at pinapaalalahanan ang mga motorista na huwag magmaneho ng walang kaukulang dokumento at iwasang magmaneho kapag nakainom.
Ayon pa kay SPO2 Gadingan, nagsagawa sila ng road clearing operation sa nasasakupan kasama ang ilang tauhan ng DPWH noong Pebrero 14, 2019 dahil na rin anya na minsan ginagawang pwesto, talyeran at paradahan ang daanan na nagiging sanhi ng disgrasya.
Kaugnay nito, bukas naman ang tanggapan ng PNP Echague sa mga lihitimong may-ari ng motorsiklo na gustong mag-apply para sa Oplan Clean Riders Sticker.
Magsisilbing palatandaan anya ang nasabing sticker sa mga motorsiklo na ito ay nakarehistro sa clean rider ng munisipyo.
Samantala, ipinagbawal ang pagkakaroon ng bahay aliwan sa bayan ng Echague.