PNP Echague, Nakatakdang Parangalan!

Echague, Isabela- Nakatakdang parangalan bukas, Hulyo 2, 2018 ang Echague Police Station bukas sa Police Regional Office 2 (PRO2) sa lungsod ng Tuguegarao.

Ito ang masayang ibinahagi ni PNP Echague Chief of Police Edgar Pagulayan sa programang Sentro Serbisyo kahapon sa programang Sentro Serbisyo.

Aniya, dahil umano sa pagsisiskap at pagtutulungan ng kapulisan at kooperasyon ng mga mamamayan sa kanilang bayan ay minsan pa umanong tatanggap ang kanilang himpilan ng parangal bilang isa sa Top Performing Police Station dito sa lalawigan ng Isabela.


Dagdag pa niya, ito na umano ang ikalawang pagkakatapon na makatatanggap ang kanilang himpilan ng parangal dahil una na silang nakakuha ng award sa Isabela Police Provincial Office kamakaylan.

Samantala, pinasalamatan pa ni Police Inspector Pagulayan ang sangay ng LGU sa kanilang bayan dahil din umano sa suporta nito sa lahat ng proyekto at programa ng kapulisan na may kinalaman sa pagpapatupad ng mga batas na makapagpapanatili sa kapayapaan ng kanilang bayan.

Puspusan naman ang panawagan ni PI Pagulayan sa mga mamamayan sa bayan ng Echague na umiwas umano ang mga ito sa mga makakalawang grupo kung mayroon mang umamaligid at magrerecruit sa kanila dahil aniya ay walang maidudulot na mabuti kung aanib ang mga ito sa kanila.

Facebook Comments