PNP facility na nagkakahalaga ng ₱104-M, itatayo sa Pagadian City

Magtatayo ang Philippine National Police (PNP) ng ₱104 milyon na pasilidad sa Pagadian City na magsisilbing headquarters ng Directorate for Integrated Police Operations – Western Mindanao.

Ito ay makaraang magbigay ang Pagadian City ng halos tatlong ektarya ng lupain na matatagpuan sa President Corazon C. Aquino Regional Government Center sa Brgy. Balintawak, Pagadian City para pagtayuan ng pasilidad.

Pinangunahan ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa at Pagadian City Mayor Samuel S. Co sa Camp Crame ang signing ceremony para sa deed of donation.


Lubos naman ang pasasalamat ni Gen. Gamboa kay Mayor Co at sa City Council ng Pagadian City sa pagpasa ng resolusyon noong Pebrero 26, 2020 na nagbibigay ng authorization ng donasyon.

Sinabi naman ni Police Major General Edwin C. Roque, Director ng Directorate for Logistics, ang budget sa pagtatayo ng pasilidad ay kasama sa Convergence Infrastructure Plan ng Police Regional Office 9 at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Facebook Comments