Pinagsusumite ng Philippine National Police Firearms and Explosives Office (PNP FEO) ng Certificate of Authority-Transport sa Committee on the Ban on Firearms and Security Concern ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga nasa entertainment industry na gumagamit ng mga awtorisadong imitation firearms.
Sa isang advisory na inilabas ni Firearms and Explosives Office (FEO) Chief Police BGen. Roger Quesada, kaniyang sinabi na dapat ay maging compliant ang mga nasa entertainment industry na gumagamit ng props na baril.
Sakop nito ang ang air-soft o airgun at iba pang mga baril na ginagamit na props sa theatrical play maging sa entertainment industry.
Nabatid na base sa COMELEC resolution no. 10905, epektibo ang gun ban mula hanggang August 28 hanggang November 29.
Gayunman, bilang pag-iingat at para maiwasan na gumawa ng krimen gamit ang mga pekeng baril kaya’t hinihikayat ng FEO na ipaalam ang pagdadala nito.
Sakaling mahuli ang props na baril na walang permit ay kukumpiskahin ito ng pulisya.