PNP forensic group, tapos na sa otopsiya ng grade 5 student na namatay matapos umanong sampalin ng kanyang guro

Tapos na ng Philippine National Police o PNP-Forensic Group ang ginawang autopsy sa batang nasawi dahil sa pananampal umano ng isang guro sa Antipolo City.

Bagama’t hindi na idinetalye pa ni PBGen. Constancio Chinayog, hepe ng PNP Forensic Group ang totoong sanhi ng kamatayan ng grade 5 student na si Francis Jay Gumikib, sinabi naman ni PLt.Col. Ma. Annaliza dela Cruz pinuno ng Rizal Police Forensic unit na intracerebral hemorrhage edema o pagdurugo ng utak at pagputok ng ugat ang sanhi ng kamatayan ng biktima.

Hindi naman direktang sinagot ng mga ito kung ang sampal ng guro nga ang sanhi o nag-trigger sa pagdurugo ng utak at pagputok ng ugat ni Gumikib.


Paliwanag ng mga opisyal, kanila munang sasabihin sa pamilya ng biktima ang sanhi ng kamatayan nito bago tuluyang isapubliko.

Facebook Comments