PNP, gagamit ng gun simulator para sa pagsasanay ng mga pulis

Gagamitin ng Philippine National Police (PNP) ang makabagong teknolohiya na galing pang Amerika para sa marksmanship training ng mga pulis.

Ayon kay PNP Training Service Director PCol. Radel Ramos, sa paggamit ng gun simulator, mas mahahasa ang kakayahan ng mga pulis sa pagbaril at makakatipid ang PNP ng pondo sa pagbili ng bala.

Sa pamamagitan kasi nito ay mas magiging madali na ang pagsasanay ng mga pulis na taon-taon ay sumasalang sa proficiency test.


Aniya, sa gun simulator nabibigyan ng realistic scenario ang mga pulis na bumabaril na halos kapareho lang din sa firing range kung saan totoong baril ang gamit pero walang bala.

Kinabitan kasi ito ng laser na pang asinta sa virtual target sa screen.

Nabatid na aabot sa P6M ang ginastos ng training service sa pagkuha ng naturang Technology-base firearms program.

Sa ngayon, sa Kampo Krame pa lang nagagamit ang gun simulator pero plano nila itong gawin sa iba pang mga kampo sa buong bansa.

Facebook Comments