Gagamitin ng DILG ang Philippine National Police (PNP) para ipagbabawal ang pagpunta o pag-lapit sa Taal Volcano Island na nasa gitna ng Taal lake.
Inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año ang PNP na pigilan ang sinumang magtatangkang bumalik para iligtas ang kanilang mga alagang hayop tulad ng mga kabayo at baka.
Nanatili ang alert level 4 sa Taal Volcano na ibig sabihin ay posible ang hazardous explosive eruption anumang oras o araw
Kasunod naman ito ng hirit ng People for the Ethical Treatment of Animals na i- rescue ang mga hayop na naiwan sa mabilisang paglikas ng mga residente.
Ani Año, naka-depende sa sitwasyon at sa koordinasyon sa mga local disaster authorities ang pagbibigay ng access sa mga tauhan ng PETA na makapag- rescue ng naiwang mga hayop.
Kinakailangang nasa mainland ang mga hayop at hindi nasa loob ng 14-km high-risk area mula sa Taal main crater.
Nag-deploy na rin ang PETA ng mga rescuers sa mga evacuation areas para bigyan ng pagkain, tubig at mga veterinary care ang mga aso at pusa na bitbit o inabandona.