PNP, gumagawa ng panibagong plano para mas maging epektibo ang mga police operations sa harap ng pagpapalawig ng ECQ

Itinalaga ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa si PNP Chief for the Directorial staff Police Lt. General Cesar Hawthorne Binag para pag-aralan at bumuo ng panibagong plano para mas maging epektibo ang mga police operations.

Ito ay sa harap na rin ng pagpapalawig pa ng 15 araw ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ilang rehiyon at paglalagay sa General Enhanced Community Quarantine ng iba pang lugar.

Ayon kay PNP Chief, maging ang PNP Strategic think tank ay inatasan nIya rin na mag map-out ng PNP courses para mai-apply sa lahat ng areas na nasa ilalim ng General Community Quarantine na ngayon ay tinatawag ng “new normal”.

Kaya naman sa mga susunod na araw at hanggang May 15, asahan pa rin daw ang mas maayos na mga operasyon ng PNP bilang mga frontliners sa paglaban para hindi na kumalat pa ang COVID-19.

Umaasa naman ang PNP sa publiko na makikipag-cooperate sa PNP sa pagpapatupad ng mga quarantine protocols.

Facebook Comments