Umaabot sa kabuuang 985 na mga pulis ang tuluyang nasibak sa serbisyo mula July 1, 2022 hanggang January 3, 2024.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 65 sa nasabing bilang ang positibo sa paggamit ng iligal na droga habang ang 43 naman ay dawit sa kalakaran ng ipinagbabawal na gamot.
230 namang pulis ang na-demote kung saan sampu sa mga ito ay bumaba ang ranggo dahil pa rin sa pagkakasangkot sa illegal drugs.
Samantala, 1,701 ang nasuspinde at 60 dito ay dahil pa rin sa ipinagbabawal na gamot.
134 ang na-forfeit o hindi na pinasweldo, 694 ang naparusahan, 79 ang napatawan ng restriction at 109 naman ang hindi makuha ang kanilang mga pribelihyo.
Sumatotal, nasa 3,932 mga pulis ang naparusahan na ng liderato ng PNP sa administrasyon pa lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.