PNP, handa kung muling mangunguna sa operasyon kontra iligal na droga sa bansa

Manila, Philippines – Handa ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kung muling ibabalik sa kanila ang pangunguna sa war on drugs ng pamahalaan.

Ito ang pahayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa matapos ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapag tumaas ang krimen na may kinalaman sa iligal na droga ay ibabalik niya ang PNP sa pangunguna sa war on drugs.

Ayon kay Dela Rosa, wala raw sila magagawa kung muling iutos ng pangulo sa PNP ang pangunguna nila sa anti-illegal drugs campaign kundi sundin ito.


Aniya, ipinangako ng Duterte administration sa mga Pilipino na maging malinis ang bansa sa iligal na droga kaya susundin nya ito kung iuutos ng Pangulo.

Aminado naman si Dela Rosa na may nagaganap pa ring heinous crime sa bansa na may kinalaman sa iligal na droga at minomonitor nila kung ito ay tumataas.

Maliban ditto, sinabi pa ni Dela Rosa na naglipana na naman sa mga kalye ang mga drug addict matapos na ihinto na ng PNP ang kanilang operasyon kontra iligal na droga.

Sa ngayon, maghihintay lamang daw ang PNP Chief kung kailan siya kakausapin ng Pangulo para rito.

Facebook Comments