Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handang-handa na sila sa pagbubukas ng klase ngayong araw.
Ayon kay PNP Spokesman Police Coronel Bernard Banac, kabuuang 120,000 mga pulis ang ipapakalat sa buong bansa para magbigay ng seguridad.
Aniya, 7,000 sa mga ito ang itinalagang magbantay sa mga paaralan sa Metro Manila.
Sabi pa ni Banac, magiging katuwang rin ng mga pulis sa pagbabantay ang mga opisyal ng mga barangay at iba pang force multipliers.
Facebook Comments