PNP, handa na sa ikakasang malawakang tigil pasada

Binigyang direktiba na ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang lahat ng mga field commander na i-monitor ang ikakasang tigil pasada ng iba’t ibang transport groups.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ipatutupad ng Pambansang Pulisya ang maximum tolerance.

Pero pakiusap nito, tiyakin lamang ng hanay ng transportasyon na hindi sila lalabag sa batas.


Sa panig naman aniya ng PNP, inirerespeto nila ang karapatang magpahayag ng saloobin ng transport sector basta’t wala silang lalabaging batas at hindi makakaperwisyo.

Base sa plano ng grupong Manibela, isang linggo ang ikakasa nilang tigil pasada simula sa Lunes, Marso 6 kung saan mariing tinututulan ng grupo ang naka-ambang pag-phaseout ng mga traditional jeepney.

Facebook Comments