PNP, handa nang magpatupad ng hard lockdown

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na handa na ang kanilang hanay na magpatupad ng hard lockdown na paiiralin ng Inter-Agency Task Force (IATF) para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa bansa.

Sinabi ni PNP chief, hindi na bago sa PNP ang mga quarantine restrictions kaya makakaasa aniya ang lahat na handa sila sa ano mang ipag-uutos ng IATF at mga lokal na pamahalaan.

Umaasa naman si Eleazar na hindi na aabot pa sa anumang klaseng paghihigpit kung isasapuso lang ng mga Pilipino ang pangangalaga sa personal na kaligtasan ngayong may pandemya.


Una nang sinabi ni Deputy Chief Implementer of the National Task Force Against COVID-19 at Testing Czar Vince Dizon na bukas ang National Government sa pagpapatupad ng hard lockdown para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19 Delta variant na inaprubahan din ng business sector.

Sinabi ni Eleazar na bago pa man ang mga mungkahing ito ay inutos nya na sa lahat ng police commanders na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga quarantine rule.

Utos din niya sa mga chief of police na maghanda ng deployment plan para sa kanilang mga tauhan lalo na sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19 Delta variant.

Facebook Comments