
May nakalatag nang security plan ang Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang peace and order sa mga ikinakasa ngayong kilos-protesta.
Ayon kay acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakatutok ang kanilang mga tauhan sa crowd control at dispersal operations upang maiwasan ang kaguluhan na posibleng kahalintulad ng mga nangyari sa Nepal at Indonesia.
Bukod sa Metro Manila, mahigpit din ang pagbabantay ng pulisya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Giit ni Nartatez, ginagamit nila ang mga nakalap na impormasyon bilang gabay sa operasyon para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Bukas ay magsasagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa tinaguriang “Black Friday Protest” bilang panawagan kontra talamak na korupsiyon sa gobyerno habang may nakaumang ding protesta sa Sabado.










