Manila, Philippines – Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) sa muling pangunguna sa giyera kontra iligal na droga.
Ito ay kasunod ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na nais niya nang ibalik sa PNP mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangungunguna sa war on drugs.
Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Supt. Vimelee Madrid, may mga plano ang PNP para sa revision ng ikakasang war on drugs pero hindi pa ito naisasapinal dahil hindi pa naman daw ligal na naililipat sa PNP ang pagsasagawa ng anti-drugs operation.
Ilan aniya sa mga plano nilang baguhin ay ang hindi na makasama pa sa illegal drugs operation ang mga tiwaling pulis.
Dahil sa ngayon aniya ay ginagawa nila ang lahat para malinis ang kanilang sa pamamagitan ng maigting na internal cleansing.