PNP, handa sa panibagong imbestigasyon kaugnay sa pahayag  ng Pangulo na may dalawang pang police general na sangkot sa droga

Handang sagutin ng Philippine National Police sa anumang imbestigasyon ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may 2 Heneral pa umano ng PNP ang sangkot sa Iligal na Droga.

 

Ayon kay PNP Spokesman P/BGen. Bernard Banac, nais nilang mabigyan linaw ang isyung ito.

 

Para kay Banac maliban sa gumugulong na imbestigasyon ng Senado hinggil sa mga tinaguriang Ninja Cops, wala namang impormasyon tulad nito ang nakararating sa kanila.


 

Pero sinabi ni Banac na mananatili silang tapat, propesyonal, disiplinado at patuloy ang maigting nilang kampanya laban sa krimen, iligal na droga maging ang pagpapaigting  internal cleansing program sa kanilang hanay.

 

Aniya sinumang pulis na mapatutunayang lumabag  ay dapat mapanagot sa umiiral na mga batas at hindi nila hahayaang mamayagpag ang mga tiwali sa kanilang hanay.

Facebook Comments