Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda sila sa posibilidad ng terror attack sa bansa.
Ito ay kasunod ng natanggap na intelligence report ng Japan kaugnay sa posibilidad na terror attack sa anim na Southeast Asian countries, kabilang na ang Pilipinas.
Ayon kay PNP Chief. Gen. Guillermo ELeazar, wala pa silang natatanggap na anumang banta sa seguridad ng bansa pero hindi nila ipagsasawalang bahala ito.
Aniya, inatasan na niya ang kanilang intelligence unit gayundin ang kaniyang mga commanders sa grounds na maging mapagmatyag.
“You know, in the implementation or enforcement of this IATF head protocols, sa pag-iikot natin, iyong visibility patrol na iyon, iyon na rin iyong ating crime prevention effort. At ngayon na nakarating sa ating kaalaman iyang impormasyon na iyan, even though hindi natin sinasabi na totoo o hindi, pero parte naman ng trabaho natin na panatilihing magbantay.” ani Eleazar
Kasabay nito, umapela si Eleazar sa publiko ng patuloy na kooperasyon at ireport ang mga impormasyong natatanggap at naoobserbahan na hindi normal para agad itong maaksyunan ng PNP.