PNP, handa sa worst-case scenario sa paghagupit ng Bagyong Odette

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) sa worst-case scenario sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Odette.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, nakaalerto na ang mga pulis para magsagawa ng rescue operation dahil sa posibleng lawak ng mga maapektuhan ng Tropical Cyclone Odette.

Mahigpit na rin aniya nakikipag-ugnayan ang PNP sa Local Government Units (LGUs) at iba pang concerned agencies para mas mapaghandaan ang epekto ng bagyo.


Sinabi pa ni PNP chief, may standby force rin sila sakaling kakailanganin, para sa rescue at evacuation ng mga residenteng nakatira sa mga hazard prone areas.

Dagdag pa ni PNP chief na sa ganitong panahon ay mas maiging magkaisa para hindi maging malala ang epekto ng Bagyong Odette.

Facebook Comments