PNP, handang handa na para sa BSKE

All systems go na ang Philippine National Police (PNP) para sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., base ito sa paguulat ng mga Police Regional Directors matapos ang kanilang pagpupulong sa iba’t ibang Regional at provincial Joint Security Control Centers kaugnay nang paghahandang ginagawa ng PNP.

Ani Acorda na sa ngayon ay wala silang nakikitang lugar na possibleng ma-postpone ang halalan sa kabila ng pagtukoy ng 2,594 areas of concern.


Bagama’t mayroon aniyang ilang lugar na kailangang padalhan ng mga karagdagang tauhan.

Sa ngayon ay nasa 246 ang tinukoy na “areas of grave concern” o klasipikado sa ilalim ng red category, na karamihan ay nasa Bicol, Eastern Visayas at BARMM.

Habang 1,248 barangay naman ang nasa ilalim ng orange category at 1,100 ang nasa yellow category.

Facebook Comments