PNP, handang-handa na sa gaganaping eleksyon 2022

Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa eleksyon 2022.

Iginiit ito ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos kasabay ng pagtitiyak na kasado na ang deployment ng mga pulis sa pagbabantay ng seguridad.

Ayon kay Carlos, konting “adjustment” na lang ang gagawin nila sa mga susunod na linggo na depende sa sitwasyon sa ground.


Paliwanag niya, nabigyan na ng toka ang mga regional director at mga ground commander sa mga dapat gawin para sa pagpaptupad ng payapa at tahimik ang eleksyon.

Kasunod nito, sinabi ni Carlos na natapos na ang pagsasanay ng kanilang Reactionary Standby Support Force o RSSF na magsisilbing dagdag pwersa kung kakailanganin.

Sa ngayon, nakatuon ang atensyon ng PNP sa 114 na lugar na inisyal na natukoy na areas of concern.

Facebook Comments