PNP, handang harapin ang isasampang kaso ng ACT

Manila, Philippines – “Bring it on!”

Ito ang sagot ni PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde sa isasampang kaso laban sa kanila ng ACT o Alliance of Concerned Teachers.

Kaugnay ito sa nagleak na intellegence report hinggil sa ginagawang profiling at pagtatanong ng mga Pulis sa mga miyembro ng nasabing grupo.


Sa isinagawang pulong balitaan sa Kampo Crame matapos ang ginawang Command Conference, sinabi ng PNP Chief na ginagalang naman nila ang karapatan ng mga Guro bilang isang malayang mamamayan.

Binigyang diin nito na ang ginagawa nilang profiling at pagtatanong ay bahagi ng kanilang mandato sa pagkalap ng mga impormasyon kaugnay ng intelligence gathering na nakasalig naman sa batas.

Gayunman, sinabi ni Albayalde na handa nilang harapin at sagutin ang lahat ng kasong isasampa laban sa kanila at tatapatan nila ito ng kontra demanda sa ilalim ng prosesong ligal

Ilan sa posible nilang isampang kaso ay Pagsisinungaling o Perjury kapag napatunayang hindi totoo ang akusasyon ng Red Tagging umano ng Pulisya laban sa kanila

Paliwanag ng PNP Chief, kaya nila ginagawa ang profiling ay upang matukoy kung sino sa grupo ang miyembro ng CPP-NPA upang maisalang sa pagmamanman.

Facebook Comments