Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpatay kay Clarin, Misamis Occidental Mayor david navarro.
Ayon sa Pangulo, pinatitigil niya ang imbestigasyon ng PNP at ipasa ang lahat ng dokumento at ebidensya sa NBI.
Ipinunto ng pangulo na nangyari ang insidente habang nasa kustodiya ng pulsiya ang Alkalde.
Sinabi rin ng Pangulo nang magkita sila ni Navarro na may nagbabanta na sa buhay nito.
Kaugnay nito, maglalabas ang Dept. of Justice (DOJ) ng Department Order bilang ‘record-keeping purposes’ ang kautusan ng Pangulo.
Ayon kay Justice Usec. Markk Perete, dahil may kontrol ang Pangulo sa Executive Department kabilang ang PNP at NBI, ang kanyang direktiba ay sapat para mag-umpisa ang NBI sa imbestigasyon nito.
Si Navarro ay kasama sa listahan ng mga pulitikong sinasabing sangkot sa ilegal na droga.