PNP, handang magbigay ng libreng sakay para sa mga mai-stranded na pasahero sa Lunes

Handa ang Philippine National Police (PNP) para sa posibleng epekto na dulot ng tatlong araw na tigil-pasada ng grupong PISTON sa Lunes, Nobyembre 20.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, mayroon silang sapat na mga tauhan para umalalay sa mga motorista gayundin sa mga pasaherong maaabala.

Gagamitin din ng PNP ang kanilang mga asset para makapagbigay ng libreng sakay.


Una nang sinabi ng PISTON na ang kanilang layunin sa tigil-pasada ay para tutulan ang itinakdang deadline para sa franchise consolidation application ng mga Public Utility Vehicle sa Disyembre 31.

Kasunod nito, nakiki-usap ang PNP sa mga magkakasa ng tigil-pasada na huwag mamilit dahil ayaw rin nilang humantong sa arestuhan ang kanilang paghahayag ng saloobin bilang bahagi naman ito ng demokratikong proseso.

Facebook Comments