PNP, handang magbigay ng seguridad kay Cong. Teves pagbalik sa bansa

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., na handa ang PNP na magbigay ng seguridad kay dating Congressman Arnulfo Teves Jr., sa oras na maibalik na ito sa Pilipinas.

Ito’y matapos arestuhin si Teves ng Interpol sa Dili, East Timor.

Ayon kay Acorda, hinihintay na lang ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang resulta ng koordinasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng extradition ni Teves.


Nakahanda ani Acorda ang PNP Custodial Center, pero ang korte pa rin ang magdedesisyon kung saan ikukulong si Teves.

Si Teves ay nahaharap sa kasong multiple murder kaugnay ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at 9 na iba pa noong Marso 2023, at 3 pang indibidwal noong 2019.

Facebook Comments