PNP, handang magbigay ng seguridad sa naulilang pamilya ng broadcaster na si Jumalon

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magbigay ng seguridad sa naulilang pamilya ng broadcaster na si Juan Jumalon alyas Jhonny Walker.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. sa ngayon hindi pa naman humihingi o nagre-request ng security ang pamilya ni Jumalon pero sa oras aniya na humingi ang mga ito ay agad naman nilang bibigyan.

Sa ngayon, ang binuong special investigation task group ng Police Regional Office 10 ang nakatutok sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa nangyaring brutal na pagpaslang kay Jumalon.


Aalamin din nila kung may threat o banta sa buhay si Jumalon bago mangyari ang insidente.

Kaugnay nito, hawak na ng mga awtoridad ang cellphone ng biktima upang masuri at magamit na ebidensya sa krimen.

Facebook Comments