Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., na handa ang PNP na mamuhunan pagdating sa Information and Communication Technology Development.
Partikular sa pag-iinvest sa makabagong teknolohiya at pagsasanay ng mga tauhan upang makasabay sa nagbabagong modus ng mga kriminal.
Ayon kay Acorda, gagamitin ng PNP ang teknolohiya para maagapan ang paglaganap ng krimen, gayundin sa pagsasagawa ng mga imbestigasyon at sa pagpapatupad ng batas.
Bukod pa rito ay ang pagbuhay sa moral at welfare ng mga tauhan ng PNP sa pamamagitan ng personnel support, career development, recognition, promotion opportunities at proper placement.
Kabilang ito sa 5-focus agenda ni PNP chief sa pamumuno nito sa Pambansang Pulisya sa loob ng halos 8 buwan.