PNP, handang tumulong sa DOJ sa pagbibigay ng kostudiya kay Teves

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na tulungan ang Department of Justice (DOJ) kaugnay ng paglipat at pagpiit kay dating Negros Oriental 3rd District Congressman Arnulfo Teves Jr.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, bukas ang custodial facility ng PNP National Headquarters kung sakaling doon dalhin si Teves sa oras na maiuwi ito sa bansa.

Sa ngayon, wala pa aniyang pormal na koordinasyon ang DOJ sa PNP.

Si Teves ay naaresto sa Timor Leste kung saan ito ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay dating Negros Oriental governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong March 4, 2023 sa Pamplona, Negros Oriental.

Facebook Comments