PNP, handang tumulong sa imbestigasyon sa pagtaas ng Chinese Nationals sa Pilipinas

Handa ang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa imbestigasyon kaugnay sa pagtaas sa bilang ng Chinese sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, ipauubaya na nila sa Bureau of Immigration na beripikahin kung lehitimo ang kanilang pamamalagi sa Pilipinas.

Mahirap din sa panig ng pulisya na kwestyunin ang mga pumapasok na Tsino sa bansa lalo na kung hindi sila nasasangkot sa krimen.


Una nang sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na maituturing na National Security Threat ang pagdami ng Chinese sa bansa.

Facebook Comments