Handang tumulong ang Philippine National Police (PNP) na tugunan ang problema ng bullying sa mga paaralan.
Ito ay bahagi ng paghahanda sa pagbabalik-eskwela sa Lunes, June 3.
Pero paglilinaw ni PNP Chief, Police General Oscar Albayalde – magkakaroon lamang ng police intervention sa mga kaso ng bullying kapag may go-signal ang pamunuan ng eskwelahan.
Nasa 120,000 pulis ang ipapakalat sa unang araw ng pasukan sa elementary at high schools.
Kabilang sa security plan ay ang pagtatayo ng police assistance desks sa bawat paaralan.
Facebook Comments