PNP health service, apektado rin ng pagtigil ng gambling operation ng PCSO

Maging ang PNP Health Service ay maaapektuhan din ng pagtigil ng mga gambling operations ng PCSO.

Ayon kay PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde, nakakatanggap ng pondo mula sa PCSO ang PNP health service.

Pero hindi matukoy ng heneral kung magkano ang halaga ng ibinibigay ng PCSO sa PNP health service.


Pero wala naman daw problema kung mahinto ang pagbibigay ng pondo dahil may ibinigay na pondo ang Office of the President na umabot sa 25 million pesos.

Kung mauubos aniya ito, tiyak naman daw na bibigyan ulit sila ng pangulo para sa pambili ng mga medical supplies.

Yun nga lang, mababawasan ang pondo ng PNP health service dahil wala nang manggagaling sa PCSO.

Facebook Comments