PNP health service, mangangasiwa sa pangalawang quarantine facility sa Metro Manila

Inanunsyo ng Philippine National Police na ang PNP Health Service ang mangunguna sa pag operate at pagmamando sa pangalawang quarantine facility sa Metro Manila.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, sa tulong ng DOH at IATF ay iooperate ng PNP Health Service ang quarantine facility sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Dito ia-admit ang mga indibidwal na may mild to moderate cases ng COVID-19.


Anim na doktor, siyam na nurse at 21 medical reserve force ng PNP health service ang magma-manage sa operation ng 132 bed quarantine facility.

Ang 36 na mga personnel ay hahatiin sa tatlong grupo para sa kanilang weekly shifting duty.

Samantala, hanggang kahapon, umaabot na sa 114 na mga pulis ang positibo sa COVID-19 habang isang pulis pa ang positive sa virus ang namatay kaya umaabot na ngayon sa apat ang mga pulis na namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments