PNP Highway Patrol Group, nagbabala sa mga motorista kaugnay sa “bundol-bundol” modus

Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police Highway Patrol Group sa mga motorista na posibleng mabiktima ng mga taong nagpapanggap na nabundol ng kanilang sasakyan.

Huli sa dashcam ng kotse ni Melwin Enriquez ang isang lalaking bigla na lamang nag-dive sa kalsada ng Alabang viaduct.

Ayon kay Marquez, iginigiit ng lalaki na nabundol niya ito ngunit kumpyansa siya na hindi nila ito nahagip ng kanilang sasakyan dahil mayroong traffic enforcer na nakita sa insidente.


Samantala, tinawag ng HPG ang nasabing modus na “bundol-bundol” na kung saan tityempo ang mga suspek sa isang papalapit na sasakyan at magpapanggap na nabundol at makikipag-areglo ang mga ito sa driver para sa kunyaring pampa-ospital nila.

Facebook Comments