PNP highway patrol group, nagpatupad ng lockdown kanina sa Camp Bagong Diwa

95

Nagpatupad ng lockdown ang PNP Higway Patrol Group camp Bagong diwa sa Taguig kanina.

Kaugnay ito ng isinagawang surprise inspection sa halos Dalawang libong sasakyang gamit ng mga pulis sa kampo.


Dahil sa lockdown walang makakalabas na motorsiklo o kotse hanggat hindi naki-cleared ng highway patrol Group HPG ang dokumento ng kanilang sasakyan.

Lahat ng sasakyan na ginagamit ng mga pulis mga motorsiklo at kotse ay isinailalim sa inspection ng Highway patrol Group sa NCRPO grandstand sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay NCRPO Chief Brig. General Debold Sinas, sa kanya mismo ang nag utos ng nasabing inspeksyon bilang bahagi ng paglilinis sa kanilang hanay.

Sinabi  ni Sinas na kanilang kakasuhan at sisibakin sa serbisyo ang sino mang pulis na mahuhuling gumagamit ng mga sasakyan na narekober sa operasyon.

Facebook Comments