PNP hihintayin ang direktiba ng IATF sakaling muling iobliga ang pagsusuot ng face shield

Nakahandang sumunod ang Philippine National Police (PNP) sakaling muling ipatupad ng COVID 19 – Inter Agency Task Force for the Emerging Infectious Diseases (IATF – EID) ang pagsusuot ng face shield.

Ito ay sa harap ng panibagong Omicron strain ng Coronavirus na-monitor sa ilang bansa partikular sa South Africa.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, hinihintay na lamang nila ang magiging gabay ng IATF kaugnay rito.


Matatandaang una nang naglabas ng direktiba ang IATF na hindi na obligado ang magsuot ng face shield sa National Capital Region (NCR) na nasa ilalim ng Alert Level 2 dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng Coronavirus.

Ngunit patuloy pa rin itong ipinatutupad sa mga ospital at quarantine facilities bilang karagdagang proteksyon ng health workers.

Facebook Comments