Hinamon ng Philippine National Police (PNP) ang mga human rights group na ilabas ang pangalan ng sinasabing mahigit 20,000 nasawi sa war on drugs ng administrasyon.
Sa press briefing sa Camp Crame kahapon, sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na handa silang imbestigahan ang lahat ng kaso kung totoo ang datos.
Kasabay nito, nanindigan si Albayalde na 6,600 lang naitalang drug-related deaths mula July 2016 hanggang May 2019.
Giit pa ni Albayalde – hindi kailangan ng Pilipinas ng international body para imbestigahan ang pagkamatay ng libu-libong indibidwal dahil sa war on drugs.
Ipinauubaya na rin daw niya kay Pangulong Duterte kung papayagan ang imbestigasyon ng UNHRC sa bansa.
Facebook Comments