PNP, hinamon ang PDEA na maglabas ng ebidensya sa pahayag na mas talamak ngayon ang drug recycling ng mga pulis

Hinamon ng Philippine National Police (PNP) ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maglabas ng ebidensya ukol sa umano’y nagpapatuloy na recycling ng iligal na droga.

Kasunod ito ng pahayag ni PDEA Director Aaron Aquino na talamak pa rin ang recycling ng mga nakukumpiskang shabu sa mga buy-bust operation.

Giit ni Police Lt. Col. Kim Molitas – hindi nila itinatanggi na may mga pulis pa ring nasasangkot sa ganitong gawain na dahilan kaya pinalakas nila ang internal cleansing sa hanay ng pulisya.


Katunayan, mahigit 8,000 police officer na ang kanilang kinasuhan dahil sa iligal na droga.

Kasabay nito, hinikayat ni Molitas ang PDEA na maglabas ng mga ebidensya para maaksyunan nila.

Samantala, may kutob si Aquino na posibleng may mga ahente rin silang sangkot sa recycling ng illegal drugs.

Facebook Comments