Pumalag ang Philippine National Police (PNP) sa ulat ng US State Department na hindi epektibo ang internal cleansing sa kanilang hanay.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, hinahamon niya ang US State Department na maglabas ng ebidensya na magpapatunay ng kanilang alegasyon.
Para sa kaniya, gumagana ang kanilang internal cleansing campaign.
Patunay aniya rito ang mahigit 5,000 mga pulis na naalis sa serbisyo na nasangkot sa iba’t ibang iregularidad mula sa 2016.
Aniya, hindi nila kinunsunti ang mga maling pulis at kanila itong pinaparusahan.
Dagdag pa niya, mataas ang morale ngayon ng PNP.
Bunga na rin ito ng kanilang preventive, punitive at restorative approach sa organisasyon.
Facebook Comments