PNP, hinamon ng CHR na proteksyonan ang mga mamamahayag sa ibang paraan at hindi sa pamamagitan ng ‘surprise’ home visits

Pinaghihinay-hinay ng Commission on Human Rights (CHR) ang Philippine National Police (PNP) sa isinasagawa nitong sorpresang pagbisita sa mga tahanan ng mga mamamahayag.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na bagama’t pinupuri nila ang “proactive” na aksyon ng PNP, dapat umanong mabalanse ang karapatan ng bawat indibidwal.

Giit ng Komisyon, mas mainam na masiguro ang “media security kung ang koordinasyon ay direktang isagawa sa mga kinabibilangang media organizations ng mga journalist.


Sa pamamagitan nito ay maililinaw ang mga protocols ng mga law enforcement agencies.

Ang reaksyon sa surprise visit ay bunga na rin sa takot na idinulot sa mga media practitioners ng pagpatay sa radio commentator na si Percy Lapid.

Facebook Comments