PNP, hindi bibitaw sa tungkuling ipatupad ang war on drugs

Manila, Philippines – Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinusukuan na nila ang war on drugs.

Ito ay matapos sabihin ng Pangulo na lumala ang problema ng ilegal na droga sa bansa nang ilunsad ang kampanya laban dito.

Ayon kay PNP Chief, Police General Oscar Albayalde – hindi sila sumusuko at itinuturing nila itong hamon.


Inihahayag lamang aniya ng Pangulo ang kanyang pagkadismaya sa malawakang drug hauls sa kabila ng pinaigting na anti-illegal drug campaign.

Iginiit din ng PNP chief na kailangan din ng modernization sa law enforcement ng bansa upang mapa-angat ang kakayahan nito.

Sa kabila nito, ang peace and order sa bansa ay patuloy na napapabuti sa ilalim ng Duterte administration.

Facebook Comments