PNP, hindi bibitiw sa pag-iimbestiga sa kaso nina Arnaiz at De Guzman

Manila, Philippines – Hindi bibitiw ang PNP sa pag-iimbestiga sa kaso nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman, ito ay kahit ipinaubaya na nila ang pag-iimbestiga sa National bureau of Investigation.

Ayon kay Atty. Alfegar Triambulo – ang Inspector General ng PNP IAS, magkaiba ang layunin ng kanilang imbestigasyon.

Ang NBI ay sa kasong kriminal tututok habang administratibo naman sa PNP.


Ito ay sa harap na rin ng mga paniniwala na mga pulis Caloocan ang nasa likod ng pagpatay kina Arnaiz at De Guzman.

Sa kabila na natagpuan ang kanilang mga bangkay sa magkahiwalay na lugar at may ilang araw ring pagitan.

Sinabi ni Triambulo na sa kaso ni Arnaiz ay malinaw na pulis ang sangkot dahil sinasabing ito ay nakipagbarilan.

Ang hinahanapan nila ngayon ng detalye ay ang kaso ni De Guzman, partikular na ang pagtukoy kung nasa custody ng pulis si De Guzman nang mapatay ito.

Facebook Comments