PNP hindi binabalewala ang pahayag ng CHR na dapat maimbestigahan ang mga kaso ng mga nanlaban at collateral damage sa mga drug operation

Manila, Philippines – Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila binabalewala ang ‘rules of engagement’ lalo sa kanilang kampanya  kontra iligal na droga.

Ito ang sinabi ni Police Colonel Bernard Banac, Spokesman ng PNP, matapos ang pahayag ng Commission on Human Rights (CHR) na dapat imbestigahan ang mga kaso nang mga nanlaban at “collateral damage” sa mga drug operation.

Sinabi ni Banac, nirerespeto ng PNP ang CHR.


Siniguro din niya na nagpapatuloy ang patas na imbestigasyon sa mga pulis na sangkot sa engkwentro sa Rodriguez, Rizal na nagresulta sa pagkamatay ng isang 3 taong gulang na bata.

Paliwanag ng opisyal hindi nila gusto ang nangyari kaya naman sisikapin nilang mapanagot sa batas ang nagkamaling pulis.

Matatandaan na sinibak na sa pwesto kahapon ang hepe ng Rodriguez, Rizal na si Police Lieutenant Colonel Resty Damaso at 19 iba pang pulis.

Facebook Comments