Manila, Philippines – Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, hindi dapat ura-uradang iniharap sa media ng pambansang pulisya si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.
Ayon kay Lacson, na dating hepe ng Philippine National Police (PNP), dapat ay naglaan muna ng oras ang PNP sa pag-check at countercheck sa mga bagong alegasyon ni Bikoy.
Katwiran ni Lacson, mas mainam kung pinag-aralan muna ng PNP kung sulit ba sa oras ng publiko na pakinggan si Bikoy.
Kaugnay nito ay kinakitaan naman ni Lacson si Bikoy ng kakaibang talento.
Sabi ni Lacson, may kakayahan si Bikoy na magdulot ng pagkakawatak-watak sa pamamagitan lang ng isang salita nito na pawang mga kasinungalingan.
Dagdag pa ni Lacson, sa paggamit ni Bikoy sa Integrated Bar of the Philippines at PNP ay napagtagumpayan nitong pagsabungin ng husto ang mga Dilawan at ang mga DDS.