Manila, Philippines – Pinagsabihan ni Senate Majority Leader Tito Sotto III ang Philippine National Police o PNP na huwag magbigay sa media ng mga impormasyon na hindi berepikado.
Kaugnay ito sa naganap na insidente sa Resorts World kung saan 38 na ang naitalang patay at marami din ang sugatan.
Giit naman ni Liberal Party President Senator Francis Kiko Pangilinan na wala dapat puwang sa imbestigasyon ng pulisya ang mga hindi berepikadong detalye at premature conclusions.
Binigyang diin ni Pangilinan na dapat gawin ng PNP ang lahat para lumabas ang katotohanan.
Dapat aniya ay masagot ang totoong dahilan kung paano malayang nakalusot sa seguridad ng hotel ang suspek.
Ano ang background ng suspek at ano ang motibo niya sa isinagawang krimen.
Dapat din aniyang mailahad kung paano tinugunan ng mga police, security personnel, at hotel officials ang panloloob ng armadong suspek.
Ayon kay Pangilinan ang makatotohanang resulta ng imbestigasyon at pagpapanagot sa mga nasa likod ng insidente ang magbibigay ng hustisya sa mga biktima.
DZXL558