PNP, hindi inaalis ang posibilidad na dawit ang NPA sa pagpaslang kay Rep. Batocabe

Manila, Philippines – Sinisilip na rin ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng pagkakasangkot ng New People’s Army (NPA) sa pagpatay kay Ako Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – nakatanggap sila ng impormasyon na nakatatanggap ng death threats ang mambabatas mula sa mga rebelde matapos nitong tanggihan ang extortion demands.

Sa ngayon aniya ay bineberipika pa nila ang mga ganitong impormasyon.


Para naman kay Bicol Region Police Director, Chief Supt. Arnel Escobal – isang gun-for-hire group ang maaring pumatay kay Batocabe.

Maliban dito ang anggulong pulitika ay isa sa tinitingnang motibo lalo at tatakbo sana si Batocabe sa Daraga bilang alkalde sa susunod na eleksyon.

Facebook Comments