PNP, hindi inaalis ang posibilidad na maulit muli ang mga pagsabog tulad sa Basilan, Antipolo at Masbate

Manila, Philippines – Hindi inaalis ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad ng pagkakaroon ng pagpapasabog sa iba pang lugar sa bansa.

Tulad na lamang ang nangyari sa Basilan, Antipolo at sa Masbate.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, binalaan na niya ang kanyang mga regional directors kaugnay sa mga katulad na pag-atake.


Inatasan na rin niya ang mga ito na paigtingin ang police visibility gayundin ang kanilang intelligence monitoring.

Matatandaang naaresto kahapon si Ustadz Jainul Malialim Indamim alyas Abdulgani, isa sa itinuturong sangkot sa nangyaring pagsabog sa Basilan.

Natukoy na rin ang may-ari ng van na sumabog na isang dating barangay captain sa isa sa mga barangay ng Haji Mohamad Adjung sa Basilan.

Facebook Comments