PNP, hindi ipatutupad ang pag-aresto kay FPRRD sakaling lumabas na ang warrant of arrest ng ICC laban dito

Naninindigan ang Philippine National Police (PNP) sa naunang pahayag ng Malakanyang na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ng PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo na hindi nila ipatutupad ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte saka-sakaling lumabas na ang warrant of arrest nito mula sa ICC.

Ayon kay Fajardo, may sariling judicial system ang bansa at ito ay gumagana.


Samantala, sinabi rin ni Fajardo na wala pang impormasyon ang PNP sa pahayag ni dating Pangulong Duterte na may nakaumang na pag-aresto sa kanya.

Nabatid na mismong si Presidential Spokesperson Harry Roque ang nagsabi na may pending warrant of arrest si Duterte.

Tinawagan kasi umano siya ni Duterte na posible siyang maaresto anomang oras.

Hindi naman nabanggit ang dahilan sa posibleng pag-aresto kay Duterte pero matatandaan na iniimbestigahan siya ng ICC kaugnay sa umano’y madugong war on drugs na nilunsad sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments